Ipagdiwang natin ang kaloob na buhay ng ating Panginoon sa isa nating ina sa Ifugao.

Tayo ay nagagalak para kay Lola Dumulao Kindipan mula sa Hingyon na natanggap na ang kanyang centenarian grant na nagkakahalaga ng P100,000.00.

Ang pera ay ibibili raw niya ng bangus, tuyo, gatas at bigas para lalo siyang lumakas. Nakatanggap din siya ng cake mula sa isang pribadong indibidwal na naging katuwang na ng DSWD sa paghahatid ng serbisyo sa ating mga kababayan sa Ifugao.

Print Friendly, PDF & Email