_MG_0101“Isa sa best practices namin ‘yung sumasali kaming nagroronda sa aming barangay. Nakikipag-participate kami sa lahat ng gawain sa komunidad tulad ng sa clean and green project. Hindi na kami nahihiyang makipag-usap at makipag-tulungan sa mga barangay officials. Lumakas ang isip namin– kapag may kailangan kami, hindi na kami nag-aalinlangan na lumapit sa kanila. Natutunan ko sa pagiging KALAHI [CIDSS] volunteer ko na malaki ang naitutulong ng community participation. Tuwing sumasali tayo sa mga gawaing barangay, nalalalaman natin kung ano ang kailangan ng komunidad natin, at naibabahagi natin kung ano [ang] kaya nating maitulong. Natututo din tayo sa mga mas nakakaalam kaysa sa atin.”

 

 

Sharon Escañan, Apat ang anak

Magsasaka,Pantawid Parent Leader, at  KALAHI CIDSS Volunteer

Besao, Mountain Province