Sheryl Lisweg“Gumagawa ako ng foot rags. ‘Yung asawa ko, minsan laborer, minsan miner depende kung may tatawag sa kanya para magtrabaho. Dalawa ang anak ko, yung isa Grade 3, ung isa Grade 1. 

Tinanong ko na ang mga anak ko kung anong gusto nila paglaki nila. Gusto ng isa doktora, gusto nung isa, titser. Pag-iipunan namin ‘yun ng mister ko habang maliliit pa ‘yung mga anak ko at habang may tumutulong sa amin gaya ng Pantawid Pamilya at ng iba pang programa ng gobyerno. Kasama ng mga ‘yon, magsisikap kami kahit anong mangyari.

Ang pangarap ko para sa kanila, sana hindi na sila maging mahirap na parang kami ngayon. Pangarap ko para sa mga anak ko, sana hindi nila makuha yung pagka-4Ps ko ngayon.

“Ano ang kaya mong gawin para matupad ng ang mga pangarap ninyo?

“Kaya kong magtrabaho ng mabuti para ma-provide ko yung mga pangangailan ng mga anak ko at makapag-ipon para sa kinabukasan nila kahit kulang yung kinikita namin sa ngayon. Malaki ang naitutulong ng Pantawid kaya sana makatapos sila sa pag-aaral nila.”

Sheryl Lisweg
Two of her children are Pantawid Pamilya beneficairies

Print Friendly, PDF & Email