Leah Vega“Apat ang anak ko. ‘Yung dalawang nauna, ‘di na sila nag-aaral. ‘Yung pangalawa ko, nagtatrabaho naman pero kulang pa rin yung kinikita namin. Pinagkakasya na lang namin kahit papaano. Malaking tulong sa amin ‘yung cash grant kasi nakakabili ako ng mga kailangan nila para sa school, mga babayarin, lalo na mag-isa lang akong naghahanap buhay tapos apat ang anak ko. Malaking tulong sa akin ‘yung Pantawid Pamilya.”

“Ano ang pangarap mo para sa mga anak mo?”

“Gusto ko, makatapos sila ng pag-aaral para makapaghanap sila ng trabaho nilang maganda. Elementary pa lang ‘yung mga bunso ko, dalawang grade 3, kambal. Gusto nung isa mag-teacher, gusto nung isa mag-doktora. Kaya kong magtrabaho ng mabuti para sa kanila.”

Leah Vega
Two of four children are Pantawid Pamilya beneficiaries

Print Friendly, PDF & Email