13“Dati, nagpo-pordiya ako sa mga hardin o mga bukid para may pang-araw-araw na gastusin ‘yung mga anak ko. Pero hindi kasi sigurado ang kita doon. Kung nagkakataon lang na maraming ani, doon lang kami nagkakaroon ng konting kita. Kung minsan, maayos ang buhay, madalas hindi. Kaya magandang nasa Pantawid Pamilya kami kasi mayroong siguradong pagkukunan ‘yung mga panggastos ng mga bata sa paaralan. ‘Yung mga baon nila, siguradong meron. Sabi kasi sa FDS, sa mga kailangan ng mga bata dapat talaga ginagamit yung mga ‘yun. Kaya sana makapagtapos talaga sila ng pag-aaral para hindi sila magaya sa amin na hindi nakapag-aral. Kaming mag-asawa, nagtutulungan kami ngayon para pamilya namin lalo na dahil nawala ang panganay namin.

Nasabi sa FDS namin na mayroong langit, kaya panatag na din kami na nasa langit ang nawalang anak namin. Dahil doon, mas kinakaya namin na tanggapin yung nangyari. At kaya kong mag-trabaho ng mas maigi, kaming dalawa ng asawa ko, magpupursige kami para sa mga natitira ko pang mga anak. “

Frederick Mayao, Father of one of the victims in the Buguias vehicular accident

Only two of his four children remain to be Pantawid Pamilya beneficiaries after the other one passed away due to the accident