Sa isang liblib na lugar sa Purok 2, Malibang, Pudtol, Apayao—isang komunidad na walang kuryente, walang signal, at walang sementadong daan—isinilang ang isang pangarap na magbabago hindi lamang ng isang buhay kundi ng buong pamilya.

Si Elbert Tacdag Baluan, 26 taong gulang at ngayon ay isa nang ganap na Nurse, ay lumaki sa isang pamilyang araw-araw na hinaharap ang matinding hamon ng kahirapan at kawalan ng access sa mga pangunahing serbisyo. Upang makarating sa ospital, pamilihan, at iba pang mahahalagang pasilidad, kinakailangan pa nilang maglakad ng malayo at tumawid sa ilog bago maka-sakay ng pampublikong sasakyan papunta sa bayan. Sa kabila ng ganitong kalagayan, hindi kailanman nawala ang kanyang pangarap na makaahon sa hirap.

“Pangarap ko talagang makapag tapos ng pag-aaral upang hindi ko na muling maranasan ang hirap ng buhay,” ani Elbert. Sa kanyang kabataan, pinangarap niyang maging Civil Engineer, Nurse, o Guro—mga propesyong sumi-simbolo ng pag-asa at pagbabago. Subalit hindi naging madali ang kanyang paglalakbay.

Ngunit sa bawat pagkakataong siya ay nadadapa, nariyan ang kanyang pamilya bilang sandigan. Sa halip na sumuko, pinili niyang bumangon at ipagpatuloy ang laban para sa kanyang mga pangarap.

Ayon sa kanya, malaki ang naging papel ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa kanyang paglalakbay. Bilang isang benepisyaryo noong siya ay nasa high school pa lamang, ang tulong-pinansyal mula sa Programa ay nagamit niya sa pagbili ng mga gamit sa paaralan at sa kanyang pang-araw-araw na pangangailangan. Dahil dito, nabawasan ang pasanin ng kanilang pamilya at mas makapag porsigi siya sa kanyang pag-aaral.

Ang kanyang karanasan bilang bahagi ng 4Ps ay nagbigay daan upang siya ay mapabilang sa isang scholarship program. Ito ang nagsilbing tulay upang maipagpatuloy niya ang kanyang edukasyon hanggang sa makapasa sa isang scholarship program. Ito ang nagsilbing tulay upang maipagpatuloy niya ang kanyang edukasyon hanggang sa makapagtapos.

Sa kabila ng pagsisikap at pagtatrabaho ng kanyang mga magulang, nanatiling mabigat ang hamon ng buhay para sa pamilya ni Elbert. Ang kanilang kalagayan sa isang malayong lugar ang naging pangunahing dahilan ng kanilang paghihirap.

Araw-araw silang humaharap sa kakulangan at abala, ngunit hindi ito naging dahilan upang mawalan ng pag-asa si Elbert.Malaki ang naging ambag ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa buhay ni Elbert noong siya ay nag-aaral pa.

Noong siya ay nasa high school, ang natanggap na tulong-pinansyal mula sa programa ay ginamit niya pambili ng mga gamit sa eskwela at panggastos sa araw-araw.

Dahil sa suportang ito, nabawasan ang bigat na pasan ng kanyang mga magulang at naging mas nakapag fokus siya sa kanyang pag-aaral nang hindi masyadong nag-aalala sa kakulangan ng pera.#DSWD FIELD OFFICE CAR, SOCIAL MARKETING UNIT, JENNIFER FERANIL (SMU Intern)